"Nung siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng
tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila.
Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus." Lu. 24: 30-31
Maraming paraan upang makita ang Diyos.
Sa araw na ito hayaan mo siyang makita sa pagbibigay.
Hindi ba tunay naman talagang nakakapagpapasigla ng
puso na maka-saksi ng isang taong tunay na nagbibigay. O makapanood o kahit makabasa
lamang ng mga kwento ng pagbibigayan. Yun bang mga totoong kwento na sa
kanilang kakulangan ay nakaya pa ring magbigay at nananatiling nagbibigay.
Ako’y naniniwala na marami ka ring kwento na tulad
nito.
Inaanyayahan kitang balikan mo ang iyong hindi malilimutang istorya ng
pagbabahaginan. Isa lang ang tinitiyak ko sayo: Ang puso mo ay mapupuno ng inspirasyon! Sige na, wala namang mawawala (sa totoo lang may
madadagdag pa) subukan mo.
Hindi ba totoo? Nakaka-inspire talaga diba?
Bakit ganoon? Tanungin mo ako kung bakit?
Nakita mo ang Diyos. Oo, nakita mo nga Sya.
Maniwala ka man o hindi, makikita ang Diyos ng
higit sa pagbibigayan. Doon sa mga taong marunong magbigay at maging sa
mga taong marunong ring tumatanggap.
Sa mabuting balita ngayon (at sa marami pang
pagbasa ngayong Panahon ng Pagkabuhay) nagpakita si Hesus sa paraang mas maaalala siya ng
kanyang mga alagad. At ano yun? Sa paghahati-hati ng tinapay. Oo nga, sa pagbabahagi-bahagi
ng tinapay. Dito nais ni Hesus na maalaala. (Lu. 22:19) At dito
nga Siya na-aalala ng mga kanyang alagad.
Kaya naman lubos akong naniniwala sa pagbibigay.
Sa kapangyarihan nito na papanibaguhin ang mundo
nating ginagalawan. Dahil sa tuwing nagbibigay tayo, (o nakakasaksi
lamang ng nagbibigayan) binubukasan nito ang ating mga puso (kaya
nakakainspire) at na-aaninag natin ang Diyos.
“Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y
kinakausap sa daan.” (Lu. 32)
At sa tuwing nakikita o nararamdaman natin ang
Diyos,
Dinadala Niya tayo na makita ang tunay na tayo at gumawa ng mabuti at tama. Ginganyak Niya rin tayo na lumabas sa sarili at
tumungo sa ating kapwa. Lalong higit doon sa di natin kakilala at sa mga
lansangan upang ibahagi ang ating nasaksihan.
"Noon di'y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem" Lu. 33
Ito rin ang dalangin ko para sa iyo ngayon kapatid.
Makita mo siya palagi sa pagbibigay ng iyong sarili
sa iyong kapwa.
Pagpalain ka ng Diyos.
No comments:
Post a Comment