"Ito ang Kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw." Jn. 6:39
“Susunod
ka rin.” Nakakatakot mang isipin, ito ang aking madalas masambit kapag
dumadalaw ako sa patay. Kaya habang nasa sementeryo, hindi ko maalis itanong,
“Handa na ba ako?” Sakali ngang sumunod na ako sa kanila.
Una,
ako ba ay isang mabuting halimbawa?
Hindi
ko tiyak ang sagot dito, ngunit salamat na naalaala ko ito.
Napakahalaga
nito para sa akin. Bakit?
Dahil
kapag sumunod na ako, alam kong may maiiwan- lalong higit ang aking asawa at
anak. At sana nga, makapagbigay ako ng mabuting halimbawa sa iba- lalong higit
sa pagbibigay. Sa ganon, may maiwan akong mapagbigay na mundo, bansa at
komunidad para sa aking mag-ina.
Pangalawa,
ginagawa ko ba ang lahat ng aking makakaya araw-araw?
Maiksi
naman kasi talaga ang buhay ng tao, naisip ko.
Kaya
hindi dapat ako mag-aksaya ng panahon.
Sa
halip, yung mga bagay na mabuti at dapat na kaya kong gawin, gawin ko na
ngayon!
Sabi
ko nga, kung kaya ko namang magpatawad, bakit hindi ko ito gawin ngayon?
Kung
kaya ko namang maglingkod, bakit hindi ko ito gawin ngayon?
Kung
kaya ko namang magbigay, bakit hindi ko ito gawin ngayon?
Ngayon-
ito lang naman talaga ang panahon ko. Ang bukas- hindi ko sigurado.
Panghuli,
may daratnan ako.
Hindi
ko man masagot ng tiyak ang mga nauna kong tanong,
Sa
bahaging ito, sigurado ako. May daratnan
ako!
Kaya
naman may dahilan talagang bisitahin ang mga yumao na.
Sapagkat
alam ko (at alam mo) na hindi naman talaga sila patay,
Buhay
na buhay sila!
Sa
kabuoan, tila kagabi ay para bang hindi ako ang dumalaw sa mga patay,
Sila
ang dumalaw sa akin! (Ikaw ba, dinalaw nila?)
Naisip
ko lang kasi na minsan mas ‘patay’ pa ako kumpara sa kanila,
At
ang araw nila ngayon ay tila araw ng ‘pagpaparamdam’
At
ng mga makabuluhang paalaala.
Salamat
Panginoon sa araw ng mga kaluluwa!
No comments:
Post a Comment