"O Diyos, mahabag po kayo sa akin na
isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa
harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay
ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.” Lc. 18:13-14
Maging mapagpakumbaba, marami itong
benepisyo.
Una na sa lahat, mabubuhay ka nang
payapa.
Totoo ka kasi sa iyong sarili, hindi
ka nagkukunwari.
Tandaan: kapatid ng pagkukunwari ang
pagyayabang.
At mas mayabang ka, mas magulo ang
iyong buhay.
Pangalawa, matututo kang maging
simple.
At ang simpleng buhay ay napakagaan
dalhin.
Hindi mo kailangang bilhin ang lahat
ng inaalok sa'yo.
Hindi mo rin kailangang magkaroon ng
lahat ng mayroon ang iba. Ang ganitong pananaw ay mabubuo mo lang kung may
kababaan ang iyong puso.
Ikatlo, makikita mo ang tunay mong
sarili palagi,
At lalong higit, kung gaano kadakila
ang Diyos sa iyong buhay.
Oo, ang mga taong mapagpakumbaba
lamang ang tunay na makakapag deklarang ang DIYOS AY DAKILA!
Kapag mayabang ka, 'di mo kailan
masasabi ito.
Kasi sarili lang ang nangunguna,
sarili ang bida at hindi Diyos.
Tunay nga, palagi nating dasalin.
"O Diyos, mahabag po kayo sa akin. Isang makasalanan."
Isang mapagpalang araw kaibigan.