Isang
mapagpalang araw ka-pasahero!
Maraming
salamat sa pag ‘para’ mo sa blog na ito. Tayo na’t tuklasin ang isang masaya
at ligtas na byahe! Paano? Ito’y sa pamamagitan ng mga sumusunod na “Jeepney Etiquttes”. Ito’y magagamit hindi
lang sa pagsakay sa jeep o sa kahit anong uri ng transportasyon, kundi pati na
rin sa buo mong byahe. Sa madaling sabi, tinatawag rin natin itong “Travel
Etiquette”. Bahagi ito ng “Commuters and Travel Literacy” na sinisimulan kong
buoin sa kasalukuyan. (Inaanyayahan rin kitang maging kabahagi nito). Nais nitong
turuan ang bawat isa na maging mabuting
pasahero sa paniniwala na “Kung ang isang tao ay matututong magpahalaga sa
kanyang kapwa pasahero, matututo rin s’yang magmahal kahit kanino.”
Upang
higit na mapakinabangan, makakatulong
kung tatanungin mo ang iyong sarili kung ano sa mga “Jeepney Etiquettes” na ito
ang ginagawa mo at kung ano ang hindi pa. Tinitiyak ko na bago pa matapos ang
listahan, matutuklasan mo na ikaw ay isang “Mabuting Pasahero.” At bakit
hindi. Ang pagbisita mo pa lang sa blog na ito ay isa nang tanda na taglay mo ang
katangiang ito. Marahil, tulad ko rin, kailangan lang patuloy na tuklasin at
pagyamanin. Sa bandang huli, mamamangha ka sa kagandahang-loob na mula pa sa
iyong pagsilang ay nasa sa’yo na. O paano, simulan na natin!
Bago ang Araw ng Byahe
- Sikaping makapagpahinga ng maayos.
- Ihanda na ang lahat ng mga dadalhin at
gagamitin kinabukasan.
- Alaming mabuti ang pupuntahan. Kung hindi alam,
magtanong na nang maaga. (Makakatulong rin ang paggamit ng google map)
- Kung
nahihirapang gumising, gumamit ng alarm-clock. Ilagay ito ng malayo sa
iyo. (‘Yung mapipilitan kang bumangon bago mo ito mapatay.)
Sa Araw ng Byahe
- Gumising ng maaga.
- Magdasal
pagkagising. (Highly recommended ko ito!)
- Kumain
o lagyan ng laman ang tiyan bago bumiyahe. (Iwas gastos, iwas init ng
ulo).
- Maligo
at magsipilyo.
- Umalis
ng mas-maaga kaysa sa nakasanayan. (Crucial ito!)
- Umalis
pa ng mas-maaga kung makikisakay lang. (Di bale nang ikaw ang maghintay
kaysa ikaw ang hintayin)
- Magsuot
ng komportableng damit. Iwasan and masyadong maiiksi. (Para ito sa babae,
pero higit sa lalaki.)
- Maghanda
palagi ng barya.
- Dalhin
ang Student o Senior Citizen ID. (Upang maiwasan ang pagtatalo at makakuha
ng diskwento)
- Magdala
ng candy o biscuit. (Para handa pagnagutom sa byahe at pwede ring ibigay
sa mga nanghihingi ng limos)
- Magdala
ng libro. (Upang mabasa kung sakaling matagal ang traffic. Pang-takip din
sa ulo pag mainit)
- Magdala
ng eco-bag. (Lalo na kung pupunta sa mga mall.)
- Magdala
ng panyo, payong at pamaypay. Magdala na rin ng plastic. (Para sa mga
nahihilo sa byahe)
- Mag-paalam
bago umalis. (Magmano o halikan ang mga mahal sa buhay.)
Bago Sumakay
- Umalis
ng bahay ng nakangiti. (At baunin ito sa buong byahe)
- Maglakad
o magbisekleta na lang kung malapit naman ang pupuntahan.
- Hanggat
maari, iwasang maglakad ng matulin. (maliban na lang kung nais mong
mag-exercise)
- Iwasang
mag-text habang naglalakad.
- Kung
may nakitang delikado sa dinaraanan tulad ng pako, thumb tacks o bubog,
alisin at ilagay sa tamang lagayan kung may pagkakataon.
- Huwag
mahiyang pulutin ang sinko, dyes at bente sinko*. (Kung malaking halaga
naman ang nakita mo, ipagtanong o gamitin ang ‘common sense’ bago
ibulsa)
- Sumakay
sa tamang sakayan.
- Gawing
obvious ang pag ‘para’ upang tigilan.
- Matutong
pumila kapag may pila. Kung wala, gumawa.
- Iwasang
makipagsik-sikan sa pagsakay. (Para hindi rin delikado sa mga pickpocket
- Hanggat
maaari, iwasang sumabit.
Habang Nasa Loob ng Sasakyan at Nasa Byahe
- Ibigay
ang upuan na nakalaan para sa matatanda, may kapansanan at buntis.
- Alalayan
ang mga nakakatanda at mga bata sa pagsakay o pagbaba.
- Matuto
ring magbigay ng upuan para sa mga babae at bata.
- Kung
matangkad, iwasang umupo sa may malapit sa pintuan. (Maaring makasagabal
ang tuhod mo)
- Umupo
ng dahan-dahan lalong higit ‘pag halos puno na.
- Umupo
ng maayos.
- Matutong
umusod-usod. (Ika nga, gumalaw-galaw para hindi mai-stroke)
- Matutong
umusod-usod papunta sa unahan upang madaling makaalis ang sasakyan.
- Huwag
iharang ang paa sa daanan.
- Magbayad
ng maaga ng hindi maabala.
- I-timing
ang pagbabayad, wag sabay-sabay. (Mahina ang kalaban)
- Magbayad
ng barya lalong higit pag maaga pa.
- Magbayad
ng tapat pati sobrang sukli ay ibalik dapat.
- Masayang
mag-abot ng bayad o sukli.
- Magsabi
ng “paki” o makisuyo kung hihingi ng pabor sa kapwa-pasahero.
- Lakasan
ang boses. (Sa pagbabayad at pag-para lalong higit kung maingay at ‘bingi’
raw ang driver)
- Ipagdasal
ang driver (pati na rin konduktor) ng sinasakyan mo.
- I-bless
rin ang pera mo bago ibayad. (Sabihin mo na nawa’y gamitin ito ng susunod
na makakatanggap sa kapakipakinabang na paraan)
- Ingatan
at ilagay ng maayos ang mga bagahe upang hindi ito makaabala.
- Bayaran
na lang ang mga bagahe kung ito ay masyadong makaka-abala.
- Matutong
maging “konduktor” o “maki-para” kapag hindi masyadong madinig ng driver
ang kapasahero mo. (Pati na kung hindi rin madinig kung ‘san nanggaling o
bababa)
- Hingin
ang sukli ng maayos kung nalilimutan ng driver.
- Matutong ngumiti sa mga pasahero.
- Huwag manigarilyo sa sasakya nat maging sa mga
terminal. (Batas ito!)
- Maging
alerto sa byahe at iwasang makatulog lalo na sa jeep.
- Huwag
maging suplado o suplada. (Matutong makipag-usap sa ka-pasahero kung
kinakailangan.
- Makipag-usap
lang ng katamtaman. (May natutulog kasi. Joke)
- Iwasang
bumanggit ng pangalan sa kwentuhan. (Lalo na kung negatibo at tsismis ang
pinag-uusapan)
- Huwag
magbasa ng text nang may text, (pati na rin ng dyaryo o pocket book) lalo
na't hindi kakilala.
- Huwag
ikalampag ang sapatos kapag nagpapa-gas ang driver (baka mag-spark, Joke!
Lalo kasing nakakadagdag stress sa mga nagmamadali).
- Huwag
magkalat sa loob o labas ng sasakyan.(Mortal sin na ito ngayon, fyi)
- Kung
maari, iwasang ilabas at hawakan ang mga gadget sa byahe.
- Kung
makikinig ng music o manonood ng movie, gumamit ng headset.
- Kung
naka-headset, tiyakin na naririnig mo pa rin ang mga nakapaligid sa iyo.
- Kumapit
sa sasakyan lalong higit kung mabilis ang takbo nito.
- Huwag
ilabas ang kamay o kahit anong bahagi ng katawan sa sasakyan.
- Tumulong
at magbigay ng direksyon. (Kung kaya at alam mo)
- Huwag
pag-isipan na mandurukot o holdaper ang lahat ng kasakay mo. (Bad yon!)
- Palaging
maging posibo kapag kinakausap ang sarili mo. (‘Yung self-talk at
pag-iisip na madalas nating gawin kapag nabyahe)
- Relax
lang kapag sobrang init at traffic.
- Magmasid-masid
at i–enjoy ang byahe. (Feeling turista)
- Huwag
mag-PDA (Public Display of Affection) sa loob ng sasakyan.
- Ipagdasal
lahat ng makikita mong naka-motor. (Keep them safe Lord.)
- Ipagdasal
rin ang mga kaluluwa ng mga namatay, kapag napadaan sa mga sementeryo.
- Ipagdasal ang mga kapasahero mo. (Magandang option kapag walang magawa sa gitna ng
mahabang traffic.)
- Maglibre paminsan-minsan.
- Sumunod
sa batas trapiko.
- Huwag
dumura lalo na’t mabilis ang takbo ng sasakyan
- Kung
mahaba ang buhok, magtali o hawakan ito.
- Huwag
mahiyang magtanong kung hindi sigurado sa sasakyan o bababaan.
Sa Pagbaba at Paguwi
- Magsabi ng ‘para’ ng mas-maaga o bago ang lugar na
bababaan.
- Mag-ingat at magsabi ng “excuse” kung kinakailangan kapag
bumababa.
- Magsabi rin ng "sorry" kapag may natapakan o
nasagi.
Iwasang bumaba sa mismong kanto.
85. Tumabi muna pagkababa, pagkatapos lumingon sa kaliwa at
kanan bago tumawid.
86. Kung may pagkakataon, magpasalamat sa driver at konduktor
bago bumaba.
87. Alalayan
ang mga napapansin mong nahihirapan sa dalang bagahe.
88. Mag-uwi ng pasalubong kahit paminsan-minsan.
Sa
sandaling ito, inaanyayahan kitang mag-iwan ng
kumento, suhestion at lalong
higit ng mga karagdagang pang “Jeepney Etiquette” na alam mo na hindi ko pa
nabanggit rito. Inaanyayahan rin kitang ibahagi ito sa iba at bisitahin ang mga nauna
ko nang ‘post’ na makikita mo sa bandang kanan na magbibigay sa iyo ng ideya
kung bakit nabuo ang blog na ito.
Muli, maraming salamat
ka-pasahero. Dalangin ko palagi sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay ang isang
ligtas at masayang byahe.